Paslit napisak ng tren

MANILA, Philippines – Isang 2-anyos na batang lalaki na si Juan Diaz ang nasawi matapos mapisak ng tren habang ito ay naglalaro sa riles kamakalawa sa Brgy. Bagadion, Libmanan, Camarines Sur.

Batay sa ulat, mag-alas-6 ng umaga noong Lunes ay naglalaro ang bata sa may riles ng tren nang ito ay mahagip  matapos umanong hindi namalayan ng mga magulang na ito ay nakalabas ng bahay.

Nagpaabot na ng tulong ang pamunuan ng Philippine Natio­nal Railways (PNR) sa naulilang pamilya ng biktima at binalaan ang mga residente na naninirahan sa tabi ng riles na isagawa ang kaukulang pag-iingat.

Show comments