2 holdaper patay sa shootout

MANILA, Philippines – Napatay ang dalawa sa tatlong lalaki na  nanghol­dap ng taxi matapos makipagbarilan sa mga otoridad kahapon ng madaling-araw sa Antipolo City.

Ang biktima na nakagapos pa ang mga kamay nang dumulog sa pulisya ay kinilalang si Joel Alcantara.

Sa salaysay ni Alcantara, dakong ala-1:30 ng madaling-araw ay sumakay ang tatlong suspek sa bahagi ng Barangay Mayamot at nagpahatid sa Taytay, Rizal.

Habang nasa biyahe ay nagdeklara na ng holdap ang mga suspek at kinuha ang kinita nitong P3,700 sabay iginapos at ibinababa sa bahagi ng Sumulong Highway at tumakas tangay ang pinapasadang taxi ng biktima na ‘Ryan Patrick’.

Kaya’t nagsagawa ng checkpoint ang mga pulis hanggang sa masabat ang mga ito.

Nang aarestuhin ay nagtangkang manlaban ang mga suspek kaya’t nauwi sa barilan.

Sinamantala ng isa sa mga suspek na tumakas nang mapatay ang dalawang kasama.

Show comments