Package ng shabu nasabat

MANILA, Philippines - Nakumpiska ng mga elemento ng Interna­­ti­o­­nal­­­ Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang umano’y package ng  shabu sa isang cargo office ng International Express courier service sa Pasay City.

Ayon sa pulisya ang package na naglalaman ng plastic sachet ng shabu ay nakatago sa pagitan ng isang dictionary ng isang shipment patu­ngong South Australia.

Ang sample ng nasamsam na substance ay isinailalim sa Methaphetamine Reagent Field Test at positibo itong may presensya ng shabu.  Isinumite na ang sample ng shabu sa PDEA Laboratory service para sa confirmatory testing.

Ang package na dadal­hin para isakay sa barko patungong Ade­laide, South Australia ay mula sa BF Homes, Parañaque City.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang PDEA sa pangalan ng consignee na nakalagay sa naturang parcel.

 

Show comments