^

Police Metro

Tserman utas sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang barangay chairman habang sugatan naman ang driver nito nang sila ay pagbabarilin  ng hindi pa nakilalang mga suspek sa naganap na ambush kamakalawa sa bayan ng Uson, Masbate.

Ang nasawi ay kinilalang sina Vicente Hugo, Chairman sa Brgy. Arado ng bayang ito na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.Habang nasugatan naman ang driver nito na si Marlon Bon, 23.

Sa ulat ni Chief Inspector Renato Ramos, hepe ng Police Community Relations Branch ng Masbate Police, bago naganap ang pamamaril bandang alas-12:25 ng madaling araw sa highway ng Brgy. del Rosario, Uson ay kasalukuyang pauwi na sa kanilang bahay ang mga biktima sakay ng kulay itim na motorsiklo nang pagbabarilin ng mga suspek.

Narekober naman ng mga otoridad sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso kung ano ang motibo sa pamamaslang. 

vuukle comment

BRGY

CHIEF INSPECTOR RENATO RAMOS

HABANG

MARLON BON

MASBATE

MASBATE POLICE

POLICE COMMUNITY RELATIONS BRANCH

USON

VICENTE HUGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with