Wanted pumalag sa aresto, napatay

MANILA, Philippines - Sa halip na sumuko ang isang lalaki na wanted sa  kasong robbery at homicide ay nanlaban pa ito sa mga umaarestong ope­ratiba ng pulisya na naging dahilan kaya’t nagkaroon ng shootout at napatay ito na naganap kamakalawa sa Matanao, Davao del Sur.

Ang napatay na suspek ay kinilalang si Edgar Marimon Uyanguren.

Sa ulat ng Davao del Sur Police, isinilbi ang warrant of arrest laban sa suspek sa Brgy. Kauswagan, Matanao ng lalawigan.

Sa halip na sumuko ang suspek ay pinaputukan pa nito ang arresting team gamit ang cal. 38 revolver pistol na siyang nagbunsod sa shootout.

Sa palitan ng putok ay tinamaan sa tiyan si Uyanguren at binawian ng buhay matapos isugod sa Southern Philippine Medical Center sa lungsod ng Davao.

 

Show comments