130 katao nalason sa ‘packed lunch’

MANILA, Philippines - Naratay sa ospital ang nasa 130 residente matapos malason sa kinaing  ‘packed lunch’ na isinilbi sa foundation day ng Barangay San Vicente, Medina, Misamis Oriental kamakalawa.

Ayon sa mga opisyal nasa 1,000   “packed lunch” na naglalaman ng ulam na beef steak, menudo at pancit bihon ang ipinakain sa mga residente.

Ilang oras matapos makakain ay nagsimula ng mahilo, sumakit ang ulo at tiyan na sinundan pa ng pagsusuka at pagtatae. 

Show comments