Kuya dedbol kay utol

MANILA, Philippines - Dahil ginampanan ang kanyang pagiging kuya, sinaksak ng kanyang nakababatang kapatid ang isang 21-anyos na binata ng awatin nito ang kanyang mga kapatid sa pagtatalo sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktimang si Edgardo Ramos Jr, residente ng #26 Urbano St., Barangay Bagbag ng nasabing lungsod ay idineklarang dead-on-arrival sa Quezon City General Hospital habang ang kapatid nitong suspek na si Orlando Ramos, 16 ay mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Ayon  sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas 5:45 ng hapon kung saan naabutan ng biktima ang suspek at ang isa pang kapatid nila na si Kian Camille na nagtatalo kaya naman inawat ang mga ito ng biktima.

Ngunit sa halip na makinig ang suspek at huminto sa pang-aaway sa kanyang kapatid ay ibinaling nito ang kanyang galit sa umaawat na biktima at mabilis na sinaksak sa dibdib.

Patuloy ang follow-up investigation ng otoridad sa nasabing insidente habang pinaghahanap ang suspek.

Show comments