Apo ni Cong. Atienza tumalon mula sa ika-45 palapag ng condo

MANILA, Philippines - Halos magkalasog-lasog ang katawan ng apong babae ni dating Manila Mayor at ngayon ay Buhay Partylist Rep. Lito Atienza matapos umanong tumalon mula sa ika-45 palapag ng isang condominium kamakalawa ng hapon sa Makati City.

Kinilala ang nasa­wing si Andrea Georgia “Adi” Atienza Beltran, 18, dalaga, nakatira sa West Tower 1 Condomi­nium, 1 Rockwell Drive, Barangay Poblacion ng lungsod at estudyante ng Endoron Colleges, Global City, Taguig City.

Sa report na nakara­ting sa Makati City Police, dakong alas-3:00 ng hapon nang mangyari ang insidente mula sa 45th  floor ng nasabing condominium.

Napag-alam na ma­tinding depresyon  umano ang dinanas ng biktima.

Ayon sa isang source ng naturang condominium, ayaw umanong ipalabas sa media ang naturang insidente kaya’t news blackout ang kanilang pinaiiral sa ngayon.

Nabatid na lumutang umano sa Makati City Police Headquarters noong Linggo si Atienza, dahil ang ina ng biktima ay anak nito.

Wala ng balak na ipa-otopsiya at pa-imbestiga­han ng pamilya ang biktima at tumanggi na rin itong magbigay ng pa­nayam.

Show comments