Miyembro ng Pentagon KFR, tiklo

MANILA, Philippines - Isang pinaghihinalaang notoryus na mi­yembro ng Pentagon kidnap for ransom gang ang nadakip kamakalawa sa isinagawang ope­rasyon sa Brgy. Sampao, Isulan, Sultan Kudarat.

Ang nasakoteng sus­pek ay kinilalang si Said Giad alyas Maestro, may patong sa ulong P175,000.00.

Sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga nang masakote ng mga ope­ratiba ng pulisya sa pakikipagtulungan ng Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) ang suspek sa nasabing lugar.

Ang suspek ay na­ging tauhan ng nasa­wing si Tahir Alonto, dating lider ng Pentagon KFR na kaalyado rin ng Al Khobar group ang, extortionist terror group sa Central Mindanao na nambibiktima sa mga negosyante sa sektor ng transportasyon at ne­gosyo.

Show comments