2 nangholdap, napatay sa shootout

MANILA, Philippines - Hindi napakinabangan ng dalawang holdaper ang kanilang nakulimbat sa mga pasahero ng jeep matapos na sila ay mapatay nang manlaban sa mga rumespondeng pulis kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Walang nakuha ang pulisya na anumang pagkaka­kilanlan sa dalawang napatay na suspek.

Sa ulat ni Supt. Noberto Babagay, hepe ng Quezon City Police District Station 4 na bago nangyari ang engkuwentro dakong alas-10:30 ng gabi sa Rainbow Homes 1, Rainbow St., kanto ng Evangelista, Brgy. San Bartolome ay sumakay ang dalawang suspek sa isang pampasaherong jeepney na may biyaheng Novaliches, Blumentrit habang kasagsagan ng bagyong Glenda.

Pagsapit sa nasabing lugar ay naglabas ng baril ang isa sa mga suspek at nagdeklara ng holdap.

Habang nililimas ang mga gamit ng mga pasahero ay tiyempong nagpapatrulya ang mga pulis nasabing lugar at nakita ang komosyon sa loob ng jeepney.

Nagpasyang lapitan ng mga pulis ang jeepney, pero sinalubong sila ng mga bala kaya’t gumanti ng putok ang mga una hanggang sa napatay ang  dalawang suspek.

Narekober sa mga suspek ang mga kinulimbat nila sa mga pasahero maging ang isang kalibre 38 armas na ginamit nila sa panghoholdap.

Show comments