Lady trader, seaman utas sa tandem

MANILA, Philippines - Isang 61-anyos na negosyanteng ginang at isang 59-anyos na seaman  ang kapwa nasawi matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem sa  magkahiwalay na pangyayari.

Namatay noon din ang ginang na si Editha Domingueto, ng no. 32 San Agustin, Arty, Brgy. Gulod, Quezon City matapos barilin sa ulo ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo dakong alas-6:30 ng gabi habang ito ay nakikipag-kuwentuhan sa kanyang kapitbahay.

Namatay din ang seaman na si Danilo Alejo, ng  building 22 Unit  505 Permanent Housing, Tondo Maynila nang barilin sa dibdib ng hindi pa nakikilalang mga suspek kamakalawa ng gabi sa  Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon, dakong alas-8:00 ng gabi  habang sakay ng  EILUJ taxi (TXV-173) nang lapitan ito ng isang lalaki paghinto ng taxi sa kanto ng  Honorio Lopez Blvd., at Rodriguez St. sa Balut, Tondo.

Nabatid na patungo sana  ng  Canlubang, Laguna ang  biktima  kasama ang kanyang pamilya upang  bisitahin ang kanyang  mga kamag-anak.

Matapos na barilin ay sumakay ang gunman sa motorsiklo na naghihintay sa kanya.

Nabatid na kauuwi pa lamang ng  biktima mula sa Middle East noong Hunyo 23. (Ricky Tulipat, Doris Franche-Borja)

Show comments