Pinay worker hinoldap

MANILA, Philippines - Isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) na si Mareniel Bontilao, 27, may-asawa ang sinuntok at hinoldap habang nag-aabang ng masasakyan kamakalawa ng alas-9:00 ng gabi sa kanto ng Road 10 at Moriones St., Tondo, Maynila.

Natangay sa biktima ang cellphone at cash na P5,000 na sinuntok pa sa tagiliran ng suspek na kinilalang si Federico Villanueva Jr., 26, ng Mabuhay St., Tondo, Maynila.

Nagsagawa ng follow-up operation ang otoridad at naaresto si Villanueva habang nakatakas ang dalawang kasama nito.

Show comments