Bagong silang na sanggol iniwan sa ulan

Danilo Garcia (Pang-masa) - June 12, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Wala ng buhay nang matagpuan ang bagong silang na sanggol na babae sa isang bakanteng lote habang nasa kasagsagan ng ulan kamakalawa sa Caloocan City.

Natukoy naman kung sino ang ina matapos na makita ang bakas ng dugo buhat sa sanggol na natunton sa bahay ng ina nito na si Angelina Argana, 19, ng no.139 Kalaanan Compound, Brgy. 86, ng naturang lungsod.

 Nang kumprontahin ng mga opisyal ng barangay, inamin ni Argana na siya ang nagtapon ng kanyang bagong panganak na sanggol ngunit hindi niya alam umano na patay ang kanyang anak. 

Nais lamang umano niyang mapulot ito ng ibang tao na kayang buhayin ito dahil sa nakakulong ang kanyang kinakasama.

Nahaharap ngayon sa kasong “abortion” base sa Article 258 ng Revised Penal Code ang suspek na si Argana.

Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-6:00 ng umaga nang madiskubre ni Wilfredo Aquino, Barangay Ex-O, ang naturang sanggol na itinapon sa bakanteng lote sa no. 28 Kalaanan Compound.

ANGELINA ARGANA ARGANA BARANGAY EX-O BRGY CALOOCAN CITY CALOOCAN CITY POLICE KALAANAN COMPOUND NAHAHARAP REVISED PENAL CODE WILFREDO AQUINO
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with