Ama tinodas sa harap ng misis at anak

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang ama nang barilin sa ulo ng isang lalaki habang naglalakad kasama ang kanyang misis at anak  kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Ang biktima ay kinilalang si Jesus Beronio, vendor, ng Barangay Guadalupe Nuevo.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi ay nagla­lakad ang biktima kasama ang misis na si Jennifer kalong ang  anak sa kahabaan ng Magsaysay Avenue, Barangay Guadalupe Nuevo nang sumulpot ang suspek at walang kaabog-abog na binaril sa ulo ang una at pagkatapos ay tumakas.

Sa salaysay ni Jennifer na noong nakaraang linggo ay  nakatanggap ng death threat ang kanyang mister dahil sa utang nito mula sa “5-6” na hinihinala nitong motibo ng pagpatay.

 

Show comments