Pagbigti ng mister sa misis ikinanta ng 2-anyos na anak

MANILA, Philippines - Kung hindi pa ikinuwento ng isang 2-anyos na batang lalaki sa kanyang lola kung bakit namatay sa bigti ang kanyang nanay ay hindi pa madidiskubre na kagagawan ito ng kanyang tatay.

Kaya’t ang inakalang pag-suicide ng biktima na si Delaila Guzman, 23-anyos, guro sa University of Manila noong Mayo  11 ay isa palang krimen matapos na ang mister nitong si Fortunato, 26, criminology student ang may kagagawan nang pagkamatay ng kanyang misis.

Ayon sa salaysay ng ina ng biktima na si Shirley Mito sa pulisya na iminuwestra ng kanyang apo kung paano bigtihin ang biktima ng kanyang mister sa pamamagitan nang pagsakal ng tali ng straw sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Old Balara, Quezon ng nasabing araw, ganap na alas-4:30 ng hapon.

Nabatid na ang kaso ay hindi inireport sa pulis o sa barangay at nalaman na lang ng barangay ang pagkamatay noong nakaburol na ang biktima.

Pinaghahanap sa kasalukuyan ang suspek na agad tumakas nang malaman nitong nagkuwento na ang anak niya tungkol sa tunay na pangyayari.

Show comments