Bus vs van: 2 todas, 13 sugatan

MANILA, Philippines - Isang pampasaherong bus at isang van ang nagbanggaan na ikinasawi ng dalawa katao at pagkasugat ng 13 iba pa kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Tiaong, Quezon.

Ang mga nasawing biktima ay kinilalang sina Precious Denise Siruma, 3, ng Valenzuela City at Niel Tabuzo, 25, ng Camarines Sur.

Nasa 13 katao ang nasugatan at dinala sa mga ospital sa Lucena City at San Pablo City.

Batay sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang maganap ang banggaan sa kahabaan ng highway ng Brgy. Lalig, Tiaong.

Nabatid na kasaluku­yang bumabagtas ang Isuzu wing van sa nasabing highway nang makabanggaan nito ang Raymond bus (EVR 704 ) na patungong Maynila.

Sa lakas ng banggaan ay kapwa dead-on the-spot ang dalawang biktima habang sugatan naman ang 13 pasahero ng bus.

Tumakas ang dri­ver ng van na si Jesus Granada matapos ang insidente.

Show comments