_pang-masa
^

Police Metro

Ama sinaniban ng masamang espiritu... Mag-ina minartilyo, tinaga

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Minartilyo ng isang mister na umano ay sinaniban ng masamang espiritu ang kanyang misis at pagkatapos ay pinagtataga pa ang 6-anyos nitong anak naganap kamakalawa sa Brgy. San Lorenzo, Bangui, Ilocos Norte.

Hindi na umabot ng buhay sa Bangui District Hospital matapos na mamuo ang dugo sa ulo ng biktimang si Jimuel Pacheco, 6 na nagtamo rin ng ilang taga sa katawan. Habang  patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang ina nito na si Mary Jane Pacheco, 26, dahil sa mga sugat sa ulo sa pananaga at pangma-martilyo.

Ang suspek ay mister nitong si Jolie Pacheco, 35, na nilalapatan din ng lunas sa nasabing ospital matapos magtangkang magpakamatay sa pamamagitan nang pagsugat sa kaniyang leeg at pagmartilyo rin sa kaniyang ulo.

Sa ulat, bandang alas-6:35 ng umaga nang maganap ang insidente sa bahay ng pamilya Pacheco sa Brgy. San Lorenzo, Bangui ng lalawigan.

Sa inisyal na imbestigasyon, mistulang pinasukan ng  masamang espiritu ang suspek nang pagmamartil­yuhin at tagain ang kaniyang mag-ina na noon ay nagpapahinga.

Agad na isinugod sa  pagamutan ng kanilang mga kapitbahay, subalit nabigo ng maisalba ang bata na napuruhan sa ulo sa  malakas na hataw ng martilyo at pananaga  ng ama nito.

 

BANGUI BANGUI DISTRICT HOSPITAL BRGY HABANG ILOCOS NORTE JIMUEL PACHECO JOLIE PACHECO MARY JANE PACHECO SAN LORENZO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with