Ginang kinulam, nagbigti

MANILA, Philippines - Inakala ng isang ginang na ang nararamdaman na sakit sa katawan ay dahil sa pagkulam sa kanya kung kaya’t sa sobrang depresyon ay nagawa niyang magbigti sa loob ng kanilang banyo kamakalawa sa Imus City, Cavite.

Ang biktima ay kinilalang si Aniceta Pabillar, 33, may-asawa, ng Block 11, Lot 30, Citi Homes Subd., Brgy Anabu 2-A, ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga nang matagpuan ang biktima ng kanyang kasambahay na si Alfie Almaden, na nakabigti sa loob ng banyo.

Sa imbestigasyon ng pulisya, may mga sakit umanong hindi maipaliwanag ang biktima at maraming nararamdaman sa katawan kung kaya dumanas ito ng matinding depresyon. 

Nabanggit din umano ng ginang sa mga kaanak na tila may kumulam sa kanya dahil sa hindi maipaliwanag na mga nararamdaman sa katawan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung may nangyaring na foul play.

Show comments