Ginang naghapunan ng mga bala

MANILA, Philippines - Mistulang nagsilbing huling hapunan na ng isang misis matapos na pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga salarin habang kasalo sa hapag kainan ang kaniyang pamilya naganap kamakalawa  sa Brgy. Sulo, Naga, Zamboanga Sibugay.

Namatay noon din ang biktimang si Joy Tumaksi, may-asawa dahil sa mga tinamong tama ng bala  sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi ay kasaluku­yang naghahapunan ang ginang kasama ang pamilya sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Sulo, Naga nang sumulpot ang  mga  suspek na armado ng shotgun at pinagbabaril ang biktima sa harapan ng nag-iiyakan nitong pamil­ya.

 

Show comments