Maid ni-rape/slay ng apo ng amo

MANILA, Philippines - Patay na nang matagpuan ang isang 15-anyos na dalagitang katulong sa loob ng bahay ng kanyang pinagtatrabahuhan matapos na halayin at takpan ang  mukha para hindi makahinga ng apo ng kanyang amo kamakalawa sa Brgy. Salawag, Dasmariñas City, Cavite.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Annabel, stay-in housemaid sa Blk. 22, Lot 2, Oakridge Filinvest ng nasabing barangay.

Ang suspek na pinaghahanap ng pulisya ay kinilalang si Christian Joe Poblete, 20-anyos, residente ng Antipolo City, Rizal at apo ng pinapasukan ng biktima.

Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng umaga nang matagpuan ang biktima na wala nang buhay na nakabulagta sa sahig at walang saplot na pang ibaba na posibleng ginahasa muna bago pinatay.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na pinasok ng suspek ang bahay ng kanyang lola sa pamamagitan ng pagsira sa pinto at dito ay tinangay ang may P30,000.00.

Nagkataon na nag-iisa ang biktima sa bahay na kung saan dito umano hinalay ng suspek at nang makaraos ay tinakpan ng unan sa mukha  hanggang sa mamamatay.

Narekober ng pu­lisya sa loob ng bahay ang isang martilyo, plier, kutsilyo at itak na posibleng ginamit sa pagwasak sa pinto ng bahay kaya’t nakapasok ang suspek.

Show comments