Bagets kinursunadang patayin

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng hindi pa kilalang suspek ang isang 17-anyos na out-of-school  youth habang naglalakad kasama ang isang kaibigan kamakalawa ng gabi sa Parola Compound, Tondo, Maynila.

Ang biktima na idi­neklarang dead-on-arrival sa Gat  Andres Bonifacio Memorial Medical Center dahil sa tinamong tama ng bala sa dibdib ay kinilalang si Uldarico Costibolo, ng Pier 2, APEX Compound, Parola, Tondo. Habang nasugatan naman ang kaibigan nito na si Mark Gil Villamor, 23 na nadaplisan ng bala.

Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi habang naglalakad ang mga biktima sa Gate 54, Area  C, ng Parola ay bigla na lamang silang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek.

Isinugod sa nasabing ospital ang mga biktima subalit, hindi na umabot ng buhay si Costibolo.

Show comments