Pamilya, 3 dedo sa trak

MANILA, Philippines - Isang tricycle na sinasakyan ng tatlong miyembro ng isang pamilya ang sinalpok ng trak kahapon ng madaling-araw sa kahabaan ng Bacao Diversion Road, Brgy. Bacao 2, Gen. Trias, Cavite.

Hindi na umabot ng buhay sa Divine Grace Medical Center ang mga biktimang sina Billy Joe Colango, 22, tindero at live-in partner na si Clarrise Villarin, 21, at  anak nilang si John Daniel Colango, 1 at mga residente ng Brgy. Bunga, Tanza, Cavite.

Naaresto naman ang suspek na si Jessie Villar, 27, binata, driver ng trailer truck (UWF-204).

Batay sa ulat, dakong alas-4:20 ng madaling-araw ay sakay ng tricycle (WM 7010) ang mga biktima na minamaneho ni Billy nang salpukin sila ng rumaragasang trak ng suspek.

Sa tindi ng pagkasalpok ay  tumilapon sa kalsada ang mga biktima na pawang napuruhan sa ulo.

Show comments