2 bagets pinatay sa saksak

MANILA, Philippines - Isang 15-anyos at isang 16-anyos na binatil­yo ang kapwa nasawi sa magkahiwalay na krimen sa Bacoor City, lalawigan ng Cavite.

Sa unang pangyayari, dakong alas-10:20 ng gabi ay naglalakad ang biktima na si John Nicole de Leon, 15 ng 246 Brgy. Ligas 2 kasama ang kaibigang si Jerome Equia pauwi sa kanilang bahay nang madaanan ang grupo ng mga suspek na nakatunggali ng biktima sa isang flip top rap battle may isang linggo na ang nakararaan.

Agad na sinugod ang biktima ng mga suspek at pinagtulungang bugbugin  at saksakin.

Nang bumagsak ang biktima ay dinala ito sa pagamutan ni Equia, su­balit namatay din ito.

Nagsagawa nang follow-up operation ang pulisya at naaresto ang suspek na kinilalang si Mark John Aranda, 15, estudyante, ng #823 San Jose St., Las Piñas City.

Pinaghahanap naman ang iba pang suspek na sina Aldren Tabing; Marvin Garcia III; Sean Miranda at John Razel Garcia, kapwa residente ng Tramo St., Brgy. Zapote 4, Bacoor City.

Ganito rin ang nangyari sa 16-anyos na si Mario Cajandab, out of school youth, residente ng Sitio Longos, Brgy. Zapote na natagpuang may saksak sa dibdib at ulo sa loob ng isang pampasaherong jeep (PYM-111) na kanyang tinulugan dakong alas-3:10 ng madaling-araw.

Nadakip ang suspek na si Jayvee Tolin, 19, ng Sitio Pulo, Brgy. Talon, Las Piñas matapos ituro ng witness na  nakakita sa ginawa nitong pananaksak sa biktima.

Show comments