COA chairman sinermunan

MANILA, Philippines - Sinermunan ni Abakada Rep. Jonathan dela Cruz si Commission on Audit (COA) chairman Grace Pulido-Tan sa gina­nap na plenary debate ng budget ng nasabing ahensiya.

Nang isalang sa plenary debate si Pulido-Tan ay galit na galit ang kongresista kayat sa halip na magbato ng tanong ay sinermunan na lamang nito ang pinuno ng COA.

Sinabi ni Dela Cruz, hindi tinugunan ng maayos ng COA ang kanyang liham noon pang Hulyo na humihingi ng kopya ng report kaugnay ng audit sa pork barrel.

Sa halip ay sinulatan umano siya ng General Counsel ng COA para lamang sabihin na ipinasa sa ibang departamento ang kanyang request at pinayuhan pa siyang kunin na lamang sa COA website ang report.

Naghimutok pa si Dela Cruz dahil pinaikot ikot siya ng COA subalit isiniwalat din naman sa media ang re­port.

Sa galit ni Dela Cruz ay nagtaas ito ng boses at pinukpok pa ang podium sa gitna ng kamara kung saan ito nagsalita.

 

Show comments