HS student natagpuang may tama ng bala sa ulo

MANILA, Philippines -Isang 3rd year high school student ang natagpuang patay dahil sa tama ng bala sa ulo sa loob ng kanilang bahay  sa  Brgy. Pag-asa, Sta. Josefa, Agusan del Sur kamakalawa.

Ang biktima ay kinilalang si Thyron Besueno, 15-anyos, estudyante  ng Trento National High School at residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, bandang alas-11:00 ng umaga ng madiskubre ang bangkay ng biktima na nakalupasay sa sementadong sahig ng kanilang bahay ng nakababatang kapatid nitong lalaki.

Ang biktima ay may tama ng bala sa kanang bahagi ng kaniyang ulo na naglagos sa kaliwang bahagi na siya nitong ikinasawi.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ang posibleng anggulo ng foul play sa nangyaring suicide matapos na mabigo ang mga otoridad na marekober ang baril na ginamit sa sinasabing pagpapakamatay ng biktima.

 

Show comments