Bagong laya itinumba

MANILA, Philippines - Tatlong araw pa lamang nakakalaya mula sa pagkakulong sa Manila City Jail ang biktimang si Alex Torres, 35 nang ito ay natagpuang may tama ng bato sa ulo kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Joe Reyes Me­morial Medical Center (JRMMC) ang biktima  na nadiskubreng duguang nakahandusay sa tapat ng kanto ng Pag-asa at Cunanan Sts., Gagalangin, Tondo.

Sinabi ng isang Reggie Belen, 22, kaibigan ni Torres, habang nasa loob siya ng bahay nang may magbalita sa kaniya na natagpuan ang biktima sa lugar kaya’t pinuntahan niya ito at dinala sa ospital.

Show comments