Ginang ginahasa ng ex-lover

MANILA, Philippines - Arestado ang isang sekyu nang ireklamo ito nang panghahalay ng kanyang dating live-in partner matapos na takutin na wawasakin ang kanyang ari-arian kung hindi ito makikipagtalik naganap sa Quezon City.

Ang suspek ay kinilalang si Rolito Teves, 31, residente sa Brgy. Tandang Sora sa lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi ay mahimbing na natutulog ang biktima na itinago sa pa­ngalang Rosa nang pasukin ito ng suspek.

Dito ay tinakot ng suspek si Rosa na wawasakin ang kanyang mga ari-arian kapag tumanggi pa ito na makipagtalik sa kanya.  

Dahil sa takot ay naisakatuparan ng suspek ang kanyang pagnanasa sa biktima hanggang sa magpasya ang huli na ipaaresto ito sa barangay.

Nabatid na walong taong nagsama ang biktima at suspek at naghiwalay ito may dalawang taon na ang nakakaraan.

Ang suspek ay kinasuhan ng paglabag sa R.A. 9262 o violence against women and children’s act. -Ricky T. Tulipat/Jam Krisette Nuñez (trainees)-

 

Show comments