Guro inutas sa silid-aralan

MANILA, Philippines - Sa loob mismo ng silid-aralan binaril at napatay ang isang lalaking guro ng hindi pa nakikilalang suspek naganap sa Navitas, Malinao, Aklan.

Ang nasawi ay kinilalang si Jose Rimano Yabut, 63-anyos, hiwalay sa asawa na pansamantalang nanuluyan sa Navitas Elementary School matapos itong masunugan ng bahay kamakailan.

Batay sa ulat, bandang alas-6:30 ng umaga nang matagpuan ang biktima ng kasamahan nitong guro na wala ng buhay sa loob ng silid aralan na bahagyang nakabukas ang pintuan.

Nabatid na kamakalawa ng  gabi sa gitna ng ma­lakas na buhos ng ulan ay nakarinig ang mga residente ng  ilang putok ng baril mula sa naturang eskuwelahan.

Ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala ng 12 gauge shotgun na siya nitong ikinamatay.

 

Show comments