DJ dinakip sa droga

MANILA, Philippines - Isang 30-anyos na disc jockey na umano ay nagsa-sideline sa pagbebenta ng droga ang ina­resto ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang buy bust operation sa Baguio City.

Ang suspek ay nakilalang si Nhexie Canillas, binata, residente sa No. 291 Lower Cabinet Hill, Baguio City.

Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi nang magsagawa nang buy-bust operation ang PDEA Regional Office 1 (PDEA RO1) at PDEA Cordillera Administrative Region (PDEA-CAR) sa may bisinidad ng Nevada Square, Military Cut-Off, Baguio City.

Nakuha sa suspek ang 20 piraso ng pulang kapsula na hinihinalang ecstasy at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II, ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments