Guard dinedo ng kapwa guard

MANILA, Philippines - Dedo ang isang security guard matapos itong barilin ng kanyang kapwa guwardya kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Rolando Abad, nasa hustong gulang, nakatira sa Block 26, Lot 3, Ulingan West, Barangay Lawang Bato, Valenzuela City, nagtamo ito ng tama ng bala ng kalibre 38 sa ulo at likod.

Nakakulong naman ang suspek na si Teodoro Castillo, 38, isa ring guwardya.

Sa imbestigasyon ni SP02 Jayson David, ng Station Investigation Division (SID), Makati City Police, naganap ang insidente dakong ala-1:00 ng madaling araw sa harapan ng PRYCE Center, Bagtikan St., Barangay San Antonio Village sa lunsod.

Sinabi umano ng biktima sa suspek na isa rin siyang guwardiya na ikinainis nito at walang sabi-sabing barilin.

 

Show comments