23 batang preso pumuga

MANILA, Philippines - Pumuga ang may 23 inmates na pawang mga  menor-de-edad sa holding center ng Caloocan City Social Welfare and Development sa pamamagitan ng paglagari sa rehas ng banyo kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat dakong  alas-11:30 ng gabi nang tumakas mga menor-de-edad na preso na may-iba’t-ibang kaso sa Yakap Bata sa Plaza Rizal ng natu­rang  lungsod.

Nilagari ng mga suspek ang rehas sa banyo ng holding center at doon nagsilabas.

 

Show comments