Masamang tumingin, pinatay

MANILA, Philippines -Isang 27-anyos na lalaki ang pinatay sa saksak  ng isang vendor dahil sa umanoy masamang pagtingin sa kanya kahapon ng hapon sa Tondo Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Ramil Quinio, ng Kagi­tingan St, sanhi ng saksak sa katawan habang tinutugis naman si Rolando Palilio, vendor ng Paghanapin St.

Sa ulat, dakong 2:30 ng hapon sa 1004 Kagiti­ngan St. Tondo ay naglalakad ang biktima at nagawang tignan nito ang suspek na minasama naman kaya’t binuweltahan  ang una  at sinaksak.

Show comments