Barker pinabulagta

MANILA, Philippines - Butas ang bungo ng isang barker makaraang barilin sa ulo ng isang armadong lalaki habang ang biktima ay nakatayo sa harap ng isang convenience store sa lugnsod Quezon, iniulat kahapon.

Si Arnold Magallanes, 35, ng Coca-Cola St., Agape Camarin Caloocan City ay agad na nasawi sa nasabing lugar, ayon kay SPO1 Eric Lazo, imbestigador sa kaso.

Wala namang nakakilala sa salarin, maliban sa isang testigo na nagsabi na kapag muli niyang nakita ay mamumukhaan niya ito.

Sa ulat, nangyari ang insidente sa may harap ng 7/11 convenient store na matatagpuan sa kahabaan ng General Luis St., Brgy. Nova Proper, ganap na ala-1:30 ng hapon.

Sabi ng isang testigo, habang nakaupo siya sa labas ng convenience store ay natanaw niya ang biktima na nakatayo ilang metro lamang ang layo mula sa kanya at naghihintay ng masasakyang jeepney.

Show comments