2 supporters ni Mayor revilla pinatay

MANILA, Philippines - Dead-on-the spot dalawang lalaki na supporters ni Bacoor City, Cavite Mayor Strike Revilla habang isa ang nasa kritikal na kalagayan matapos na sila ay pagbabarilin ng 2 naka-motorsiklo na may lulan 4 katao habang sakay ng kanilang sasakyan na naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Queensrow West, ng nasabing lungsod.

Kinilala ni Cavite Police Provincial Director Sr. Supt. Alexander Rafael, ang mga biktima na sina Roberto ‘Bobby’ Palabrica, 58 at Reynaldo Primoso, 46 at residente ng Bacoor City, na mga kila­lang supporters ng pamilya Revilla.

Ang nasa kritikal na kondisyon sa St. Dominic Hospital sanhi ng mga tinamo nitong tama ng mga bala sa katawan ay si Catherine Palabrica, 44, Brgy. chairwoman ng Queensrow Central ng nasabing lugar.
Batay sa ulat, ganap na alas-8:00 ng gabi ay sakay ang mga biktima ng isang sport utility vehicle at binabagtas ang lugar nang bigla silang harangin ng 2 motorsiklo na sakay ang 4 na armadong kalalakihan at sila ay pinagbabaril.

 

Show comments