Kita ng mga mangingisda at magsasaka iangat – Bam Aquino

MANILA, Philippines - Nais ni Team PNoy senatoriable Benigno Bam Aquino na mai-a­ngat ang kita ng mga magsasaka at mangi­ngisda sa bansa.

Ayon sa datos na nilabas ng National Statistical Coordination Board (NSCB), ang sektor ng agrikultura ang may pinakamababang kita. Isa sa bawat tatlong manggagawang Pilipino ay nasa sektor na ito, kaya naman la­ganap ang kahirapan lalo na sa kanayunan.

Sinabi ni Aquino, matagal na siyang nagtrabaho para bigyan ng pagkakataong kumita ang mga pinakamaliliit na negosyante, bago pa man siya pumasok sa pulitika. “Hindi makata­ru­ngan na ang mga nag­­bubuwis ng dugo at pawis para makakain tayo ang wa­lang mapakain sa kanilang mga pamilya. Ito ang pinakamalaking ha­mon sa pamahalaan, at handa tayong tumugon dito”, ani Aquino.

Paliwanag ni Aqui­no, kailangan ng mga magsasaka at mangi­ngisda ng dagdag na suporta tulad ng derechahang access sa mer­kado, access sa pon­do’t pautang, dagdag na trai­ning, crop insu­rance, at iba pang mga support services na magpapa­la­go ng ka­nilang kita at kabuha­yan.

Show comments