2 kalansay sa septic tank

MANILA, Philippines - Nakuha nang pinagsanib na puwersa ng pulisya at National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang kalansay ng tao sa isang septic tank ng isang abandonadong bahay sa Parañaque City kahapon.

Unang nakuha ang isang kalansay na may mga nakadikit pang nabubulok na laman na sinundan ng pagkakakuha sa isang bungo at hiwa-hiwalay na kalansay ng tao.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang Criminal Intelligence Division ng NBI na ginagawang tapunan ng bangkay ang septic tank sa bahay sa may kanto ng Tel Aviv St., at Multinational Avenue sa Multinational Village ng lungsod.

Bukod sa mga kalansay, nakuha rin sa septic tank ang mga sako at kable ng kur­yente na posibleng ginamit na panggapos sa mga itinapong bangkay
Naniniwala naman  ang NBI na hindi sabay-sabay itinatapon sa poso negro ang bangkay kaya’t ang una nilang nakuha ay buo pa at may nakadikit pang mga laman ng tao.

Dinala na sa NBI ang nakuhang mga kalansay upang idaan sa forensic at DNA examination upang matukoy ang pagkakaki­lanlan ng mga ito.

Show comments