Jeep vs trike: 2 patay, 14 sugatan

MANILA, Philippines - Dalawang katao ang nasawi habang 14 ang na­sugatan matapos na ak­sidenteng magsalpukan ang isang pampasa­herong jeepney at tricy­cle kama­kalawa ng hapon sa Ma­harlika Highway, Brgy. Concepcion Palasan, Sa­riaya, Quezon.

Ang mga nasawi habang nilalapatan  ng lunas ay kinilalang sina  Lilia Catorse, 66 at ang dri­ver ng tricycle na si Roel Macaraig na nagta­mo ng grabeng mga sugat sa katawan.

Ang labing-apat na na­sugatan ay isinugod sa Candelaria Doctors Hos­pital.

Sa ulat, bago naganap ang sakuna sa nasabing highway dakong alas-3:30 ng hapon ay nasiraan ng preno ang Isuzu jeepney (DWV 456) na pumunta sa kaliwang linya ng highway na tuluy-tuloy na binangga ang kasalubong nitong tricycle na Kawaski (WZ9562) bago sinuwag ng bahay ni Elegio Montealto sa tabi ng highway.

Show comments