Matapos murahin ang nanay… Tatay pinatay ng anak

MANILA, Philippines - Sinaksak at napatay ng isang 22-anyos na binata ang sariling ama matapos na komprontahin siya nito dahil sa ginawa niyang pag­mumura sa kanyang ina na nanermon na tumi­gil sa kanyang paglalasing kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Hindi na umabot ng buhay sa Valenzuela General Hospital dahil sa tinamong malalim na saksak sa dibdib ang biktimang si Matias Gabarda, 55-anyos, ng Dumlapi Compound, Barangay Lawang Bato ng naturang lungsod.

Agad naaresto at nakakulong na ang suspek na si Gerry Gabarda.

Batay sa ulat, dakong alas-7:50 ng gabi ay umuwing lasing na lasing ang suspek sa kanilang  bahay na ikinagalit ng ina.

Dito ay sinermunan ng ina ang anak na tumigil na sa kanyang bisyo na paglalasing na hindi nagustuhan ng huli kaya’t pi­nagmumura ang ina.

Nagkataon na nagpa­pahinga ang ama at na­­rinig ang ginawang pag­­mu­mura ng anak sa nanay nito kung kaya’t bu­mangon ito para komprontahin ang anak.

Nagalit ang suspek sa ama kaya’t kumuha ito ng kutsilyo at inundayan ng saksak sa dibdib.

Mabilis na dinala ng mga kaanak ang biktima sa ospital na kung saan ay hindi na ito umabot ng buhay.

Habang ang suspek na naaresto ng pulisya at kinasuhan ng parricide.

 

 

Show comments