4 dedo sa bagyong Crising

MANILA, Philippines - Apat katao ang nasawi habang apat ang sugatan habang dalawa pa ang nawawala sa hagupit ng bagyong Crising sa mga apektadong lugar partikular na sa Mindanao.

Ito ang iniulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council Exe­cutive Director Eduardo del Rosario na kabilang sa mga nadagdag sa talaan ng mga nasawi ay sina Nelson Jimenez, 40 ng Brgy. Sampao Kapalong, Davao del Norte na nalunod at ang isa pa ay si Namatyagan Namones, 12, patay naman sa landslide sa San Fernando, Bukidnon. Ang mga nasugatan ay sina Maria, Dodong, Anatallo, Baby Boy na pawang may apelyidong Nacua na ginagamot sa Lanao del Norte Provincial Hospital. Patuloy namang pi­naghahanap ang dalawang nawawalang sina Percela Apolinario, 63 at Suden Abdulla.

Show comments