NBI-NCR chief sinibak

MANILA, Philippines - Matapos magkaroon ng barilan sa mismong tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ay sinibak na kaha­pon ni Justice Secretary Leila de Lima si NBI-Na­tional Capital Region Director Manuel George Jularbal dahil sa command responsibility.

Nabatid na binaril ni Special Agent Nestor Pas­cual si Joselito Guillen  na nasugatan sa ginanap na birthday party sa NBI com­pound.

Maliban kay Jularbal, pinatatanggal na rin  ni De Lima ang mga miyembro ng NBI -NCR na kasama sa birthday party noong Biyernes ng gabi.

Lumilitaw na dahil sa  impluwensiya ng alak pi­naglaruan umano ni Pascual ang baril at ipinutok kay Guillen.

Show comments