Mga kinumpiskang paputok ng mga pulis ginamit sa pagsalubong sa Bagong Taon

MANILA, Philippines - Isang ulat na nakara­ting kay Philippine Natio­nal Police (PNP) Chief Director General Alan Pu­risima na ilang pulis na nanghuli ng mga paputok sa mga vendors ang siya umanong gumamit para ang mga ito ay paputukin sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Kaya naman ay agad na pinaiimbestigahan ni Purisima ang napaulat dahil ilang opisyal pa ng  pulis ang nagsindi ng mga nakumpiskang paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.

“I have ordered the iden­tification of some of our police personnel and officer allegedly involved in lighting the seized firecrackers,” ani Purisima.

Sinabi ni Purisima na sinumang pulis na mapatunayang guilty ay isasa­lang sa summary dismissal sa kasong administratibo at madi-dismis sa serbisyo.

Samantalang nakiki­pagkoordinasyon na rin si Purisima sa ilang media network na maaring naka­kuha ng footage sa mga pulis na nagpapaputok ng mga nasamsam na paputok at pyrotechnics sa mga vendors.

Una nang ipinag-utos ni Purisima ang malawa­kang crackdown kontra bawal na paputok upang maiwasang makapinsala at makasugat lalo na ng mga inosenteng sibilyan.

Show comments