Pulis na inaway ng misis sa pag-uwi ng bahay, nagpakamatay

MANILA, Philippines - Tinapos ng isang pulis ang buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo matapos na siya ay awayin umano ng misis sa ginagawang pagpapaaral sa kanyang kapatid, naganap kamakalawa sa Purok 5, Brgy. Banlic, Calamba City, Laguna.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa ospital dahil sa tinamong tama ng cal. 45 pistol sa sentido ay kinilalang si PO1 Kerwin John Ticao, nakatalaga sa Biñan Municipal Police Station (MPS).

Batay sa ulat, bandang alas-9:30 ng umaga sa pag-uwi ng biktima sa kanyang bahay ay agad umano itong inaway ng misis na si Michelle ukol sa mataas na bayarin sa tuition ng kapatid nitong si Christine Anne na pinag­-aaral nito.

Sa inis umano ng biktima ay nagkulong sa kanilang banyo at ilang saglit  ay nagbaril ito sa sentido.

 

Show comments