Quarters race over
Maagang humiwalay ang Top Eight sa Bottom Four sa PBA Philippine Cup elimination round.
At ang sipat ni Pareng Kandong sa kanyang bolang kristal, iyan na ang walong koponan na bubuo ng quarterfinals cast.
“Tapos na ang race to quarters. Karera na lang sa twice-to-beat advantage (Top Four) ang paglalabanan,” giit ni Pareng Kandong, four-time MVP sa super-duper senior division ng Sabino Alley league sa Maysan, Valenzuela.
Gaya ng dati, maagang nakulelat ang Blackwater, Terrafirma at Phoenix.
At dahil nagpapagaling ng injury ang top player na si Arvin Tolentino, kasamang napag-iwanan ang NorthPort.
Malaki na ang bentahe ng Magnolia (6-1), NLEX (5-1), San Miguel Beer (5-2), Barangay Ginebra (4-2), Converge (5-3), Rain or Shine (4-3), TNT (4-3) at Meralco (4-5).
At malamang nga na puwestuhan na lang sa Top Eight ang kanilang labanan.
Ang natitirang excitement eh, ang pukpukan para sa Top Four na siyang tatangan ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals.
Kasalukuyang nasa unahan ng karera ang Magnolia, pero mabigat ang kanilang closing assignments – NorthPort, Ginebra, NLEX at TNT.
Kung makadalawang panalo sa apat na larong ito, malamang na lusot na sila sa Top Four.
Pero nananatiling wide open ang laban para sa No. 1.
- Latest