Choco Mucho nakatutok sa semis berth

MANILA, Philippines — Matapos patalsikin ang F2 Logistics ay pupuntiryahin naman ng Chco Mucho ang semifi­nal berth sa Premier Vol­leyball League All-Filipino Conference.

Lalabanan ng Flying Ti­tans ang PLDT High Speed Hitters ngayong alas-6 ng gabi sa Philsports Arena sa Pasig Ci­ty.

Sa unang laro sa alas-2 ng hapon ay magtatapat ang Akari Chargers at sibak nang Gerflor De­fenders kasunod ang upa­kan ng Creamline Cool mashers at Nxled Chameleons sa alas-4 ng hapon.

Tangan ng Creamline ang 7-0 record kasunod ang Choco Mucho (7-1), Chery Tiggo (7-1), Cignal (6-3), Petro Gazz (5-4), PLDT (5-3), F2 Logistics (4-5), Akari (4-4), Nxled (3-5), Farm Fresh (1-8), Ga­leries Tower (0-7) at Gerflor (0-8).

Umiskor ang Flying Titans ng 19-25, 25-8, 25-17, 25-19 panalo sa Car­go Movers para sa ka­nilang seven-game winning streak.

“Kailangan talaga namin ma-practice lahat eh. Ang importante lahat kung ano iyong pinapagawa namin sa first six, pati iyong second six kaila­ngan din gawin nila.” ani Choco Mucho coach Dante Alinsunurin.

Sina Sisi Rondina, Isa Molde, Cherry Nunag, Kat Tolentino, Maddie Madayag at Caitlyn Viray ang bibida sa Flying Titans.

Dalawang sunod na ka­biguan ang nalasap ng High Speed Hitters sa kanilang huling dalawang laro.

 

Show comments