Fighting Maroons inupuan ang No. 1 spot

Tinapos ng Fighting Maroons ang kanilang eliminations round campaign na tangan ang 12-2 karta at hawakan ang solo top spot sa team standings.
UAAP Media Bureau

MANILA, Philippines — Sinigurado ng University of the Philippines ang pagsilo ng twice-to-beat matapos nilang kalusin ang National University, 79-57 sa UAAP Season 86 men’s basketball tournament na nilaro sa Mall of Asia Arena, kagabi.

Tinapos ng Fighting Maroons ang kanilang eliminations round campaign na tangan ang 12-2 karta at hawakan ang solo top spot sa team standings.

Swak pa rin sa Final Four ang Bulldogs pero hindi sila nakakuha ng bonus dahil lumagapak sila sa No. 3 kasama ang 10-4 card.

Ang top two teams pagkatapos ng 14-game double round robin lamang ang mabibiyayaan ng bonus, nasikwat ng De La Salle University ang isa matapos angkinin ang second place tangan ang 11-3 record.

Samantala, nakahirit ng playoff para sa No. 4 spot ang Adamson University Soaring Falcons matapos nilang pabagsakin ang Univeristy of the East 63-61 sa unang laro.

Hawak ng Soaring Falcons ang 7-7 karta, kapareho nila ang defen­ding champions Ateneo Blue Eagles kaya naman magkasalo sila sa No. 4 sa pagtatapos ng 14-game double round robin.

“I like how it ended,” ani Soaring Falcons head coach Nash Racela. “Walang script dun ah. UE really made it tough for us. Some would say really chamba. I won’t deny that. Mukha namang chamba talaga.

Tumikada sina Ma­thew Montebon at Cedrick Manzano ng tig-16 points habang 10 puntos ang inam­bag ni Vince Magbu­hos para sa Adamson na haharapin sa playoff ang Blue Eagles sa Miyerkules.

Show comments