3 golds pinagulong ng mga Pinoy keglers

MANILA, Philippines — Nag-uwi ang mga Pinoy keglers ng tatlong gintong medalya sa Asian Para Tenpin Bowling Championships sa Belair Bowling Centre Shatin sa Hong Kong.

Binanderahan nina Ja­mie Manginga, Christopher Chiu Yue at Angelito Guloya ang kampanya ng Pilipinas matapos umukit ng ginto sa kani-kanilang events.

Hataw si Manginga ng dalawang ginto sa men’s TPB8 (wheelchair) singles at men’s all-events.

Nakalikom si Manginga ng1,067 pinfalls mula sa 198, 200, 182, 253, 245 at 189 produksyon pa­ra angkinin ang gintong medalya sa singles.

Nasiguro ng Pilipinas ang 1-2 punch matapos kubrahin ni Augusto Hernandez ang pilak sa nakuhang 1,066 pinfalls (201, 168, 186, 168, 153 at 190).

Napasakamay din ni Manginga ang ginto sa all-events sa nailistang 2,684 pinfalls galing sa 1,067 sa singles, 931 sa doubles at 686 sa trios.

Kinuha ni Hernandez sa tanso mula sa 1,066 sa singles, 898 sa doubles at 630 sa trios.

Nagsanib-puwersa sina Yue at Guloya pa­ra ibulsa ang ginto sa doubles sa pinagsama ni­lang 2,302 pinfalls sa TPB9+TPB9 doubles.

Show comments