Thompson nagpaulan ng 12 tres sa Thunder

Ang reaksyon ni Warriors star Klay Thompson matapos tumira ng tres laban sa Thunder.

SAN FRANCISCO — Sa pagkakaroon ng injury ng kanyang star teammate na si Stephen Curry ay nagpasabog si Klay Thompson ng 42 points para tulungan ang nagdedepensang Golden State Warriors sa 141-114 pagrapido sa Oklahoma City Thunder.

Kumonekta rin si Thompson ng season-high na 12 three-pointers habang may 21 markers si Jordan Poole bukod sa career-best na 12 assists para sa Warriors (28-26).

Umiskor si Shai Gilgeous-Alexander ng 20 points at may 19 at 18 markers sina Aaron Wiggins at Tre Mann, ayon sa pagkakasunod, sa panig ng Thunder (25-28).

May 27 points si Thompson sa halftime tampok ang pitong triples para sa 60-53 abante ng Golden State at nagsalpak ng 19-7 atake sa third period para tuluyan nang iwanan ang Oklahoma City.

Sa Salt Lake City, nag­lista sina Josh Green at Jaden Hardy ng mga career highs na 29 points sa 124-111 panalo ng Dallas Mavericks (29-26) sa Utah Jazz (27-28).

Hindi pa naglalaro si Kyrie Irving para sa Ma­vericks habang hindi nakita sa aksyon si Luka Doncic (heel bruise).

Sa New York, humataw si Paul George ng 29 points at may 24 mar-kers si Kawhi Leonard sa 124-116 pagdakma ng Los Angeles Clippers (31-26) sa Brooklyn Nets (32-21).

Show comments