NLEX sumosyo sa liderato

MANILA, Philippines — Humataw si import Jo­nathon Simmons ng 38 points para akayin ang NLEX sa 98-94 pagsunog sa Phoenix sa 2023 PBA Governors’ Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Inihatid ni Simmons ang Road Warriors sa ikaapat na sunod na pa­na­­lo para sosyohan ang Con­verge FiberXers sa li­derato.

Laglag naman ang Fuel Masters sa 1-4.

Nagtala rin ang da­ting NBA player ng 7 re­­bounds at 5 assists para sa kanyang final game ba­­go maglaro sa Chinese league.

Si dating NBA cam­paig­ner in Wayne Selden ang sasalo sa trabaho ni Simmons.

Inilista ng NLEX ang 48-35 abante mula sa lay­up ni Kevin Alas sa 5:43 minuto ng second period na napababa ng Phoenix sa halftime, 49-52.

Tuluyan nang naagaw ng Fuel Masters ang 71-66 abante buhat sa hook shot ni import Du’Vaughn Maxwell sa 2:47 minuto ng third quarter.

Ngunit nakabalik sa porma ang Road Warriors sa pamumuno ni Simmons para iposte ang 92-76 kalamangan sa 4:39 minuto ng final canto.

Huling naghamon ang Phoenix sa 92-96.

Show comments