Mikey Williams ibabalik ng TNT sa starting five -- Jolas

MANILA, Philippines — Sa unang dalawang laro ng TNT ay hindi kasama si star guard Mikey Williams sa starting five ng Tropang Giga para sa 2023 PBA Governors’ Cup.

Ayon kay coach Jojo Lastimosa, unti-unti nang bumabalik ang laro at porma ng Fil-American playmaker kaya muli niya itong ibabalik sa starting line-up ng TNT.

“There’s a reason why he was coming off the bench at the beginning. He wasn’t in shape. Not yet. He really had a difficult time rehabbing his two Achilles heels,” ani Lastimosa kay Williams. “Mikey is eventually going back to the starting line-up.”

Nagkaroon ang Season 46 Rookie of the Year ng injury sa Philippine Cup finals na nakaapekto sa kan­yang paglalaro sa nakaraang Commissioner’s Cup.

Sa come-from-behind 105-100 win ng TNT sa Rain or Shine noong Bi­yernes ay humataw si Williams ng 24 points at 10 rebounds para sa ka­nilang ikalawang sunod na ratsada.

Nauna nang tumipa si Williams ng 9 markers mula sa malamyang 3-of-12 field goal shooting sa 123-119 pagdaig ng Tropang Giga sa Phoenix Fuel Masters.

Show comments