^

PM Sports

Doncic, Dinwiddie bumida sa panalo ng Mavericks

Pang-masa
Doncic, Dinwiddie bumida sa panalo ng Mavericks
Ang reaksyon ni Mavericks star Luka Doncic matapos ang kanyang tira laban sa Suns.

DALLAS — Umiskor si Luka Doncic ng 33 puntos habang nagdagdag si Spencer Dinwiddie ng 21 puntos at napanatili ng Mavericks ang mala­king kalamangan tungo sa 130-111 paglusaw sa Phoenix Suns.

Hindi na natinag ang Mavs matapos ibagsak ang 28-8 run sa huling 10 minuto ng first quarter kung saan ipinahinga si Doncic sa buong final canto para sa kanilang ika-2 sunod na panalo.

Tumapos si Deandre Ayton ng 20 puntos para sa Suns, na hindi na nakabangon pa mula sa 15 puntos na pagkakabaon.

Sa San Francisco, pinasiklaban ng rookie na si Andrew Nembhard ang ‘Splash Brothers’ sa kanilang home court.

Kumamada si Nembhard ng season-high na 31 puntos sahog ang 13 assists at walong rebounds para pangunahan ang Indiana Pacers sa 112-104 tagumpay laban sa nagdedepensang kampeon Golden State Warriors.

Pumukol ang second-round draft pick na si Nembhard ng krusyal na tres may 4.26 minuto na lang bago sinundan ng isa pang jumper na naglagay sa Pacers sa kampanteng katayuan.

Sa Atlanta, pinataob ng Oklahoma City Thunder ang Hawks, 121-114 sa likod ng 35 puntos ni  Shai Gilgeous-Alexander.

Sa Los Angeles, isi­nal­pak ni Jayson tatum ang 17 sa kanyang 31 puntos sa third quarter para itakas ang Boston Celtics sa 116-110 tagumpay laban sa Toronto Raptors.

Sa iba pang resulta, tumukod ang Charlotte Hor­nets sa Los Angeles Clippers, 119-117; pi­na­sabog ng Houston Rockets ang Philadelphia 76ers, 132-123 at giniba ng Milwaukee Bucks ang Orlando Magic, 109-102.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with